BATTLE PLAN PARA MAPALUWAG ANG HOSPITALS IPINANAWAGAN

Joel Villanueva

NANAWAGAN  si Senador Joel Villanueva sa gobyerno na gumawa ng “battle plan” para mapaluwag ang mga ospital na nasa ilalim ng enchance community quarantine (ECQ)  na umaapaw na dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Villanueva , chairman ng Senate labor committee, hindi dapat hayaan ang mga ospital na gumawa ng sarili nilang paraan para sa paglaki ng kaso ng nasabing virus.

Giit ng senador na ang “battle plan” ng gobyerno  ang siyang makakatulong sa  kalagayan ng mga ospital  sa kawalan ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF)  guidelines para sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ tulad ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite mula Lunes hanggang Abril 4.

Ito rin umano ang missing link sa IATF advisory, na dapat maihabol kaagad.

Puna pa ni Villanueva na karamihan ng ospital sa Metro Manila ay punuan na at may nakalagay na “No admission for COVID-19 patients”.

Kabilang umano sa mga ospital na ito ay ang Chinese General Hospital, Makati Medical Center, Ospital ng Makati, Tondo Medical Center, University of Perpetual Help Dalta Medical Center Inc., Metropolitan Medical Center, the Medical City, St. Luke’s Medical Center and Lung Center of the Philippines na halos nasa 100% occupancy na.

Paliwanag pa ng senador na isinalalim sa ECQ ang NCR plus para gumaan ang trabaho ng mga medical frontliner  subalit wala pa ring programa ang gobyerno para lumuwag ang mga ospital.

“Halimbawa po: Paano po makakatulong ang gobyerno sa pag-restock ng mga hospital pharmacies ng mga COVID-19 medicine tulad ng remdevisir at tocilizumab? Kailangan na po ba nating mag-SOS sa mga kapitbahay natin sa ASEAN? Siguro isa po ito sa mga bagay na dapat isinama ng IATF sa kanilang guidelines sa pagpapatupad ng ECQ,” iginiit pa ni Villanueva. LIZA SORIANO

2 thoughts on “BATTLE PLAN PARA MAPALUWAG ANG HOSPITALS IPINANAWAGAN”

Comments are closed.