MASBATE- NASA magnitude 2.8 na lindol ang yumanig sa Batuan sa lalawigang ito kahapon.
Batay sa inilabas na Earthquake Information No. 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na dakong alas-3:49 ng hapon nang maramdaman ang sentro ng lindol sa bayan ng Batuan.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may 003 kilometrong lalim.
Ayon sa Phivolcs, walang naitalang pinsalang dulot ng lindol.
Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
RUBEN FUENTES