BAWAL MANIGARILYO HABANG GUMAGAMIT NG APPLE COMPUTER

Binabawi ng Apple ang kanilang warranty kapag may naninigarilyo sa bahay kung saan ito ginagamit. Hindi rin nila gagawin sakaling masira kahit pa magbayad ang kliyente dahil sa “health risks of second hand smoke.”

Walang explicit statement sa warranty clause na nagsasabing ang usok ng sigarilyo ay mag-aalis ng warranty ng device. Wala itong kinalaman sa usok ng sigarilyo kundi sa cigarette residue na nakukuha ng device na umano’y nakalilikha ng biohazard sa mga taong gagawa sa nasirang computer.

Ayon sa Consumerist, magiging void ang warranty claims sa Apple device sa dalawang pagkakataong ang dami ng cigarette smoke residue sa loob ng computer ay nakalilikha ng biohazard sa company staff na magsasagawa ng warranty service, kahit hindi ito nakasaad  sa warranty agreement. – SHANIA KATRINA MARTIN