PAKTAY negosyo! Marami ang tatamaan nito hindi lang mga so-called beauty center kundi pati parlors at spas. Kahit hindi kasi doktor ay nauuso ngayon ang pagpapasaksak ng IV Gluta or intravenous gluta-thione sa kung sino-sino. Kamakailan lang ay inilahad ng ating FDA na bawal na ito, after bumaha sa online ang nag-aalok ng turok.
“Glutathione, one of the most advertised skin whitening products in the market today, should not be injected into your body,” the Food and Drug Administration (FDA) warned last week, this from several media networks and publications. Really, bawal na? Bakit?
AYON SA F.D.A.
Matapos ang ilang taon at libo-libong gumagamit o nagpapagawa nito, ay naglahad ng warning ang FDA kontra pagpapasaksak sa ugat ng gluta.
“The FDA reminded the public that there are currently no published clinical trials that show that inject-able glutathione whitens the skin, nor are there published guidelines for how to use it as treatment. Side effects on the use of injectable glutathione for skin lightening include toxic effects on the liver, kidneys, and nervous system.”
Maging ang grupo ng mga lehitimong Dermatologists ay nagpahayag through their organization na PDS, “The Philippine Dermatological Society is-sues warning on glutathione use. None of the systemic gluta-thione containing products around the world has been approved for skin whitening.”
ANO NGA BA ANG GLUTA?
Malamang narinig mo na itong glutathione. Maaaring narinig mo ito sa mga taong gustong pumuti, o baka naengganyo ka na ngang sumubok with-out fully knowing how it works.
Ang glutathione ay isang tripeptide na binubuo ng mga amino acids na L-cysteine, L-glutamic at glycine. Ang tungkulin ng glutathione ay bilang an-tioxidant at gumaganap na taga-detoxify upang protektahan ang ating katawan laban sa iba’t ibang toxins o free radicals. Maganda naman pala, eh bakit ipinagbawal?
BAKIT IPINAGBAWAL?
The Food and Drug Administration (FDA) clarified last Wednesday that only glutathione tablets are ap-proved by the agency, and not glutathione injectables. Ah, ‘yung injectables or drips lang pala ang bawal.
“Ang glutathione injectable ay hindi tama, hindi pinapayagan, hindi legal dahil walang approval sa amin at walang studies na nagpo-prove that these are safe,” ayon kay Nazarita Tacandong, FDA Asst. Direc-tor.
Glutathione is a drug that is used to treat cancer. Its side effect is the whitening of skin as it deactivates tyrosinase, the enzyme that helps produce melanin pigment.
MAY BENEPISYO BA ANG GLUTA?
Ano nga ba ang tungkulin ng glutathione sa ating pangangatawan? Nakukuha nga ba ito sa pang-araw-araw na pagkain?
- Bilang antioxidant – Tumutulong sa paglaban sa toxins sa kapaligiran.
- Detoxification –Ang layunin nito ay upang puksain ang ‘free radicals’ mula pollution, heavy metals na kasama sa ating nakakain, nicotine at mga kemikal.
- Pinalalakas ang immune system – Pinahuhusay nito ang aktibidad ng ating selyula para labanan ang sakit
- Pagkukumpuni ng ating selyula – Dahil sa free radicals ay nasisira ang ating mga selyula at nakatutu-long ang glutathione sa ‘regeneration and re-pair’.
- Tumutulong ito sa pagbawas ng oxidative stress – Nagkakaroon ng oxidative stress ang katawan mula pagod, tensiyon, puyat at kakulangan ng tamang nutrisyon.
MAY BENEFICIAL SIDE EFFECTS NGA BA?
Honestly, ang mga parokyano ng gluta ay hindi masyadong interesado sa mabubuting epekto nito para sa atay at iba pang internal organs. Ang tunay na habol nila ay ang pagbabaka-sakaling pumuti pa.
Bakit nga ba ang karaniwang models ng gluta ay dati nang mestizo at mestiza? Dahil ba kung hindi eepekto ay mabubulilyaso sila?
Ayon sa ilang publications, narito ang posibleng ‘good side effects’ ng glutathione:
- Posibleng makapagpaputi ng kutis
- Makatutulong para mabawasan ang dark spots
- Pinipigilan ang pagdami ng pimples
- Sinasabing anti-aging at anti-wrinkles.
- Tumutulong mapabilis ang paggaling ng sugat.
- Tumutulong sa paglinis ng atay.
- Maaaring makatulong sa pagpapataas ng bilang ng sperm count.
- Nagpapakinis ng magaspang na balat.
ANONG GLUTA PALA ANG MAGANDA?
Sumikat sa atin ang glutathione dahil sa side effect nito na pagpapaputi ng kutis.
Nagbabala ang FDA sa publiko na huwag gumamit ng mga glutathione capsules na hindi rehistrado, aprubado at certified. Marami kasi ang lumabas sa online na peke at maaaring makasama sa kalusugan.
Ayon sa BFAD, ang aprubado nilang paggamit ng glutathione caps ay 500 milligrams lang sa loob ng isang araw or 10 mg/kg/day.
May mga pagkain na makapagpapataas ng ating glutathione level, gaya ng mga gulay na mayaman sa sulphur – tulad ng bokchoy, broccoli, cabbage, cauliflower, mustard, radish, turnip at kangkong. Mga pagkaing mayaman sa selenium – tulad ng nuts, tuna, sardines, beef liver, chicken, egg, at spin-ach.
Quote:
“Being comfortable in your own skin is one of the most important thing to achieve.”
– Kate Mara, actress and model
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.