DAHIL umano sa rami ng suplay na inangkat, bumagsak ang presyo ng bawang sa Bagsakan Market sa Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon sa report ng mga tindera sa nasabing pamilihan, bumaba ang presyo mula sa dating P1,000, ngayon ay P600 na lang ang kada bag ng native na bawang matapos dumating ang mga imported stock galing China.
Mula P200 kada kilo, P150 na lang ang kada kilo ng native na bawang.
Nasa P90 naman ang kada kilo ng imported garlic.
Paliwanag ni Nestor Batalla, assistant provincial agriculturist ng Pangasinan, “Kulang ‘yong production ng bawang sa Filipinas. Hindi kayang i-provide iyong kailangang consumption.”
Comments are closed.