MAY bawas-singil sa pasahe ang Cebu Pacific sa mahigit 70 domestic destinations nito kaugnay sa inisyatibo ng pamahalaan na palakasin ang domestic tourism sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Sa isang statement, inanunsiyo ng Cebu Pacific ang promotional base fares sa P88 para sa domestic flights na magmumula sa Manila, Cebu, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, at Zamboanga.
Ayon sa Cebu Pacific, dinagdagan din nila ang capacity ng average na 44% sa pamamagitan ng pag-upgrade sa larger-capacity aircraft o mga karagdagang flights.
“Through this increase in the supply of seats and fare reductions across our domestic route network, we hope to encourage Philippine residents to travel and explore the country,” wika ni Candice Iyog, Vice President for Marketing and Customer Experience ng Cebu Pacific.
Ang anunsiyo ay ginawa ng Cebu Pacific makaraang makipagpulong ang tourism industry stakeholders kay Presidente Rodrigo Duterte at pumayag na babaan ang airfare at hotel rates. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.