BAWAS-PISO SA TOLL HIKE SA NLEX

NLEX-4

INIHAYAG ng NLEX Corp. na babawasan nila ng piso ang nauna nilang inanunsiyong toll rate hike na ipatutupad sa Marso 20.

“The NLEX Corporation announced today it will collect lower additional flat rates for the expressway sections covered under its open system to cushion the impact of the recently approved toll adjustments,” ayon sa kompanya.

Nauna rito ay inanunsiyo ng NLEX Corp. ang P10 toll fee hike, kasama na ang dagdag na P6 para sa open line system at ang first tranche ng in-aprubahang periodic adjustments noong  2013 at 2015, na nagkakahalaga ng karag­dagang  P4 sa open system, at P0.18 per kilo­meter sa closed system.

Dahil dito, ang mga motorista na may Class 1 vehicles na dadaan sa NLEX ay sisingilin na lamang ng dagdag na P9, sa halip na P10.

Nangangahulugan ito na ang mga ordinaryong sasakyan na bibiyahe sa Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon, Meycauayan, at Marilao sections ay kailangang magbayad ng P54 mula sa kasalukuyang rate na P45.

Samantala, ang Class 2 vehicles, kasama ang mga bus at maliliit na trak, ay may dagdag na  P22 (sa halip na P23) sa P136 mula sa kasalukuyang P114, habang ang Class 3 vehicles o malalaking trak at trailers ay kailangang magbayad ng ka-ragdagang  P28 (sa halip na P29) sa P645.

Comments are closed.