BAWAS-PRESYO PA SA LANGIS

LANGIS-2

MULI na namang magpapatupad ng rolbak sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis sa susunod na linggo.

Epektibo sa alas-6 ng umaga ng Martes, ­Nobyembre 5, ang Petron ay may bawas na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene.

Ayon sa Petron, ang rolbak ay bunga ng paggalaw ng presyo sa international oil market.

Samantala, magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments sa diesel at gasolina si­mula ngayong alas-4 ng hapon.

Sinabi naman ng ­Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng kada litro ng diesel ay ina­asahang bababa ng P0.20 hanggang P0.30, habang ang gasolina ay maaaring tapyasan ng P0.10 hanggang P0.15 kada litro.

Isang source sa oil industry ang nagsabi na ang presyo ng diesel ay maaaring mabawasan ng hanggang P0.30 kada litro at ang gasolina ng hanggang P0.15 kada ­litro.

Year-to-date, ang adjustments ay may net increase na P5.61 kada litro para sa gasolina, P4.02 kada litro sa diesel, at P0.96 kada litro para sa kerosene.

Comments are closed.