ISUSUMITE na ng Department of Health (DOH) sa Office of the President ang kanilang rekomendasyon na babaan ang presyo ng may 120 gamot.
“We have about 120 to 124 medicines subject to a possible or probable maximum drug retail price,” wika ni DOH Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Duque, 70 porsiyentong mas mataas ang presyo ng gamot sa Filipinas kumpara sa ibang bansa.
Aniya, nakabatay ang kanilang binalangkas na EO sa RA 9502 o ang Cheaper Medicines Act of 2008.
Nauna rito ay sinabi ng kalihim na ang 120 gamot na isasailalim sa MDRP ay para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung disease, neonatal diseases, at major cancers.
Sa ilalim ng maximum retail price scheme, ang presyo ng mga piling gamot ay inaasahang magkakaroon ng 56 porsiyentong pagbaba mula sa umiiral na market prices sa sandaling mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO.
“This is a very important component of the Universal Healthcare law, we need to bring down prices of very expensive drugs and medicines. You know, branded medicines in the Philippines are like 30 to 70 times higher of the same product of the same brand in other countries,” paliwanag ni Duque.
“This is not acceptable for a middle income country like the Philippines. We should ensure that people will have access to quality medicines,” dagdag pa niya.
Comments are closed.