BAWAS PRESYO SA OIL PRODUCTS

NAGPATUPAD ng bawas  presyo ng kanilang mga produkto ang ilang kompanya ng langis kahapon.

Nanguna  ang Petron, Shell at Caltex, kung saan P1.85 ang kanilang itinapyas sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa kada litro ng kerosene at P0.90 naman sa kada litro ng diesel.

Ayon naman sa Flying V, P0.90 ang kanilang bawas sa kerosene at diesel habang P1.85 sa gasolina.

Hindi naman nagbawas presyo sa kerosene ang Total pero nasa P1.85 ang bawas nila sa kada litro ng gasolina at P0.90 sa kada litro ng diesel.

Sumunod din ang PTT Philippines, P1.85 ang kanilang bawas sa gasolina at P0.90 naman sa kerosene.

Noong Sabado pa nagbawas-presyo  ang Phoenix Petroleum at Clean Fuel kung saan P2 ang kanilang ibinawas sa kada litro ng gasolina at P0.90 naman sa kada litro ng diesel.

Nasa P2 kada litro ng gasolina at P0.90 sa kada litro ng diesel din ang ipinatupad na bawas ng Petro Gazz, Unioil, Seaoil, at Jetti Pump noong Linggo.

Nagpapatunay lamang na walang kakula­ngan at walang pagtaas sa pandaigdigang merkado noong sunod-sunod na pagtaas ng presyong petrolyo at kaya lamang kumilos ang pamahalaan dahil sa  pagtaas ng pamasahe na lalong magtataas sa inflation at sakit ng ulo ng pamahalaan.    BENJARDIE REYES

Comments are closed.