BAWAS PRESYO SA PETROLYO EPEKTIBO NGAYON

PETROLYO

MAGLALARGA ng malakihang bawas pres­yo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ilang araw bago ang bagong taon.

Epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga, magtatapyas ang Unioil ng piso at walumpung sentimo sa kada litro ng diesel habang piso at tatlumpung sentimo naman ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Simula ngayon, Linggo, Disyembre 31 alas-6:00 ng umaga, inaasahang magpapatupad ng rollback ang Petro Gazz ng kaparehong halaga sa kanilang mga produktong petrolyo.

Inaasahan namang susundan ito ng iba pang oil companies sa Martes sa mismong unang araw ng 2019.

Ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Comments are closed.