BAWAS-PRESYO SA PETROLYO SA IKA-5 SUNOD NA LINGGO

PETROLYO-22

SIMULA ngayong araw ay may tapyas ulit sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito na ang ika-5 sunod na linggo na may oil price rollback.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at ng SEAOIL Philippines Inc. na babawasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.35, diesel ng P0.70, at kerosene ng P0.75.

Magpapatupad din ang Petro Gazz at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng katulad na rolbak sa gaso-lina at kerosene.

Ang adjustments ay epektibo ngayong alas-12:01 ng umaga para sa Caltex, at alas-6 ng umaga sa iba pang kompanya.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon ay umabot na sa P14.72 kada litro ang ibinaba ng presyo ng gasolina, P13.39 sa diesel, at P18.20 sa  kerosene.