MAGKAKAROON ng rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at SEAOIL Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.55, diesel ng P1.15, at kerosene ng P0.60.
Magpapatupad ang Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng kaparehong adjustment maliban sa kerosene.
Epektibo ang rolbak simula ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad ng bawas-presyo alas-12:01 ng umaga sa parehong araw.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P15.07 kada litro para sa gasolina, P14.09 sa diesel, at P18.95 sa kerosene.
Comments are closed.