BAWAS SA TRAVEL TAXES, LANDING FEES

TRAVEL TAXES

PINAG-AARALAN ng gobyerno ang pagbabawas sa travel taxes sa local airports sa gitna ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) out-break na labis na nakaapekto sa airline industry.

Ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla, nanawagan ang local airlines sa pamahalaan na bawasan, kundi man alisin, ang travel taxes at landing fees.

“Nag-present ang local airlines ng kanilang kahilingan sa gobyerno dahil nga sa dinaranas nila,” wika ni Arcilla sa isang press conference sa Pasay City.

Ang local airlines ay labis na napinsala ng COVID-19 outbreak, na nagkaroon ng negatibong epekto sa turismo sa bansa.

Batay sa report, mahigit 2,500 katao na ang nasawi sa China,  na may mahigit 77,000 kaso na ng COVID-19 sa kasaluku­yan.

“Overall, they’re ta­king a hit, specifically doon sa mga territories na China, Hong Kong, Macau. Malaki ang hit sa ating mga local airlines,” wika ni Arcilla. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.