BAWAS-SINGIL SA KORYENTE

MERALCO-3

TATAPYASAN ang singil sa koryente ng Manila Electric Company (Meralco) ng P0.1948 per kilowatt hour ngayong buwan dahil sa mas mababang generation charge.

Ang power rate adjustment ngayong Hunyo ay ikalawang sunod na buwan ng rolbak para sa Meralco.

Ang P0.1948 per KWh rate cut ay mangangahulugan ng P38 na bawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Nasa P57 naman ang matatapyas sa mga may konsumong 300 kilowatt hour kada buwan, P76 sa mga 400 kilowatt hour ang konsumo at P95 sa mga may konsumong 500 kilowatt hour.

Ang mas mababang singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay nagpababa sa genera-tion charge sa P5.4158 per kWh mula sa P5.5508 per kWh noong Mayo.

“The generation charge decrease is primarily due to lower charges from the WESM, despite increases in the charges of Inde-pendent Power Producers (IPPs) and Power Supply Agreements (PSAs),” ayon sa Meralco.

Ang pagbili nito sa WESM ay bumaba ng P0.3100 per kWh sa kabila ng pagnipis ng reserba ng koryente sa Luzon grid.

“While the number of days on red alert as declared by the National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) decreased from seven in April to two in May, the number of days on yellow alert increased from seven to 13 due to higher demand for power,” sabi pa ng Me­ralco.

Ang WESM ang nagkakaloob ng 9% ng supply requirements ng power distributor.

“Cost of power from IPPs and PSAs increased by P0.0556 per kWh and P0.0717 per kWh, respectively, partly due to the weakening of peso against US dollar.”

Comments are closed.