BAWAS-SINGIL SA KORYENTE NGAYONG BUWAN

MERALCO-2

BABABA ang singil sa koryente ng Meralco ngayong buwan dahil sa mas mababang demand sa gitna ng pinaiiral na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) sa franchise area nito.

Ayon sa Meralco, bababa ang 2.86 centavos per kWh ang singil sa koryente.

Ang rate reduction ay nag­hatid sa overall electricity rate sa P8.6966/kWh mula sa P8.7252/kWh noong Hunyo.

Ang mga kumokonsumo ng 200kWh kada buwan ay may P5.72 na bawas sa kanilang bill, P8.58 sa may konsumo na 30kWh, P11.58 sa 400kWh at P14.30 ang tapyas kung ang konsumo ay 500kwh.

Ang power rate reduction ay bunga ng pagbaba sa generation charge.

Sinabi ng Meralco na ang total rate decrease para sa generation charge ay bumaba ng mahigit sa P1 per kWh buhat sa pagsisimula ng taon.

“This month’s overall rate is significantly lower than that of July 2019, which was P9.9850 per kWh,” sabi ng Meralco.

“This month’s overall rate is also the lowest since September 2017.”

Mula sa P4.3413/ kWh noong Hunyo, ang generation charge ay bumaba ng  P0.0069/kWh sa P4.3344/kWh ngayong Hulyo.

“Because of the reduction in power demand in its service area during the Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) and General Community ­Quarantine (GCQ), ­MERALCO continued to invoke the Force Majeure (FM) provision in some of its Power Supply Agreements (PSAs), reducing the generation cost that would have been charged by suppliers,” dagdag pa ng ­Meralco.

Comments are closed.