BAWAS-SINGIL SA KORYENTE NGAYONG SETYEMBRE

MERALCO

MAGKAKAROON ng ­tapyas sa singil sa ­koryente ngayong Setyembre dahil sa pagbaba ng generation charges.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), nasa P0.1458 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa singil sa koryente, na katumbas ng P29.16 sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh.

Nasa P43.74 naman ang bawas sa mga kumokonsumo ng 300 kWh, P58.32 sa 400 kWh, at P72.90 sa  500 kWh.

Sinabi ng Meralco na ang ­presyo ng koryente ngayong buwan ay bumaba sa P10.0732 kada kWh mula sa P10.2190 noong Agosto  2018.

“Lower charges at the Wholesale Electricity Spot Market (WESM), resulted in  lowering the generation charge by P.0772 per kWh from P5.3491 per kwh in August to P5.2719 per kWh,” ayon sa Meralco.

“We are pleased to announce that despite the recent figures released on inflation and a slight depreciation of the peso, Meralco customers can find some relief in the decrease in power rates this month, as this goes against the current trend that we see with other basic goods and commodities,” wika ni Meralco spokesperson at head of Public Information Office Joe Zaldarriaga.

Ang inflation ay sumipa sa 6.4 percent noong Agosto, ang pinakamabilis sa loob ng mahigit siyam na taon magmula nang maitala ito sa 6.6 percent noong Marso 2009.

Comments are closed.