INANUNSIYO kahapon ng Manila Electric Co. (Meralco) ang bahagyang pagbaba sa singil sa koryente ngayong Setyembre.
Ito na ang ika-5 sunod na buwan na may bawas sa singil sa koryente upang hilahin ang adjustments sa three-year lows.
Sa abiso ng Meralco, ang power rates ay bababa ng 6.23 centavos per kilowatt-hour sa P8.4288/kWh ngayong buwan mula sa P8.4911/kWh noong Agosto.
Katumbas ito ng P12 na bawas sa mga residential customer na may 200 kWh na konsumo kada buwan, P19 sa mga kumokon-sumo ng 300 kWh, P25 sa mga kumokonsumo ng 400 kWh, at P31 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.
Ayon sa kompanya, ang rates para sa Setyembre ay pinakamababa sa loob ng tatlong taon o magmula noong Setyembre 2017.
Ang mas mababang rates ay bunga ng force majeure na ipinatupad sanhi ng pagbaba ng demand. Nagresulta ito sa mas mababang generation charges na bumaba sa ika-6 na sunod na buwan ng 3.81 centavos sa P4.0860/kWh mula sa P4.1241/kWh noong Agosto.
‘Because of the reduced power demand in its service area during the community quarantine period, MERALCO continued to invoke the Force Majeure provision in some of its Power Supply Agreements (PSAs),” pahayag ng kompanya.
Comments are closed.