BAWAS SINGIL SA KORYENTE SA SEPTEMBER BILL

MERALCO-3

INANUNSIYO ng Meralco na makaaasa ang mga konsyumer na matatapyasan ang singil sa koryente ngayong Setyembre.

Ayon sa tagapagsalita ng kompanya sakaling matuloy, iyon na ang ikalimang sunod na buwang may bawas-singil sa kor­yente ang Meralco.

Maglalaro sa P0.15 hanggang P0.20 kada kilowatt hour ang bawas sa September bill, ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Ayon naman kay Larry Fernandez, head ng utility economics ng Meralco, muling magkakaroon ng bawas-singil dahil maayos ang suplay ng koryente.

Pasok din umano sa September bill ang refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission kaugnay ng sobrang na­singil sa mga konsyumer.

Sa Lunes iaanunsiyo ng Meralco ang pinal na galaw sa singil sa kor­yente, ani Zaldarriaga.

ROLLBACK SA PETROLYO INAASAHAN DIN

BUKOD sa koryente, inaasahan ding bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa galaw ng presyo ng langis sa pandaig-digang merkado.

Mula Lunes hanggang Miyerkoles, P1 kada litro ang iminura ng presyo ng gasolina, at P0.50 kada litro sa diesel at kerosene.