PLANO ng Department of Education (DepEd) na dagdagan ang mga non-teaching position sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Sa pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, nagpapatuloy na ang kanilang pakikipag- usap sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Budget and Management (DBM) at Committee of Basic Education and Culture sa House of Representatives.
Binigyan ang DepEd ngayong taon ng 5,000 slots na non-teaching position upang mabawasan na ang dami ng trabaho ng mga guro.
Sinabi pa ni Briones na mas mainam pa rin na dagdagan pa ito para sa mga technical at administrative jobs sa lahat ng public schools sa Filipinas.
Iginiit niya na ang 5,000 na slots para sa non-teaching position ay hindi sasapat para sa 47,000 pampublikong eskuwelahan sa bansa.
Ang pagkuha ng non-teaching personnel ay bahagi rin ng programa upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Ang DepEd ang isa sa may pinakamalaking bahagi sa P4.1 trillion national budget bukod sa infrastracture sector.
Matatandaang pinuri ng DepEd ang Pangulong Duterte at mga mambabatas sa pag-apruba ng General Appropriations Act (GAA) for FY 2020.
Comments are closed.