BAWAS WORKERS SA LRT-1 SIMULA SA SETYEMBRE 15

LRT-2

MAHIGIT sa 100 empleyado ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) ang mawawalan ng trabaho sa pagbaba ng bilang ng mga mananakay ng train line sa gitna ng coronavirus lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay Light Rail Manila Corp. (LRMC) spokesman Jackie Gorospe, ang bilang ng mga matatanggal na empleyado ay kumakatawan sa 20 percent ng total workforce ng kompanya.

“It is with great regret that LRMC confirms a reduction of its workforce due to a significant 90% drop in ridership brought about by the COVID-19 pandemic,” sabi ng LRMC sa isang statement.

Ayon sa LRMC, sa gitna ng pagpapatupad ng mahigpit na community quarantine dulot ng  COVID-19 pandemic ay nagbawas ito ng operasyon at sinuspinde ang ilang mga proyekto.

Ang retrenchment ay ipatutupad sa susunod na buwan.

“This decision went through multiple levels of approvals involving the LRMC Senior Ma­nagement Committee, in close consultation with LRMC’s employee union. The right-sizing program will take effect on September 15, 2020,” sabi ng LRMC.

Tiniyak naman ng kompanya na tatanggap ng karampatang benepisyo ang mga matatanggal na empleyado.

“To support and take care of affected emplo­yees, each employee will receive his/her rightful benefits under the law and even above what is in the existing Collective Bargaining Agreement. On top of this, LRMC has partnered with Xcelarator Talent Solutions to assist affected members on livelihood and investing wisely,” anang kompanya.

Ang public transportation, kabilang ang LRT, ay muling sinuspinde makaraang ibalik sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at mga karatig lalawigan mula ­Agosto 4 hanggang Agosto  18. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.