BAWASAN ANG PAGKAIN

SABONG NGAYON

ANG ATING mga manok ay matatag sa malakas na ulan at napakalamig na panahon kaya nga sa Amerika kahit may snow o nagyeyelo ang kanilang pinaglalagyan at nakaka-survive sila ay ang pinakaayaw nila ay ‘yung napakalakas na hangin, hirap na hirap po sila diyan.

“Kapag malakas ang hangin na tuloy-tuloy,  diyan po sila nada-dry ang katawan at tuluyan na hindi nagtutunaw ng kanilang kinain,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

Aniya,  kapag hindi nagtunaw ay diyan na nati-trigger ang fowl cholera na umiipot ng green na may puti-puti, hindi nagtutunaw, nahuhulog sa hapunan na kinabukasan ay patay, bigla humahabol ang hininga, nangingitim ang mukha na may sipon  at halak at pumapasok na rin po ang  salmonellosis at malaria at kung ano-ano pang sakit at mixed infection.

Para maiwasan ang hindi pagtutunaw ng kanilang kinain ay makakatulong kung babawasan sa umaga at hapon ang kanilang pagkain.

Napakaimportante rin, aniya, sa manok at sa lugar na kanilang pinaglalagyan na ito ay nasisikatan ng araw at palaging malinis para sila ay mabilis magtunaw ng kanilang kinain at ang sikat ng araw ang pinakamabisa na disinfectant.

Aniya, ang manok, maging inahin man o tandang na nalugunan na at ito ay tinamaan pa rin ng anumang klase ng sakit ay mahihirapan na siya ay gawin pang healthy kasi nasa kalakasan na ng kanyang immune system/matured na ay tinamaan pa rin, ibig sabihin malala na ang pinsala sa kanyang pangangatawan.

“Ang manok na nagkasakit na pinilit mo ilaban ay puwede namang  manalo pero mas maganda po na magbakasakali ay doon na sa walang dahilan, anyway ang may katawan naman po palagi ang tatanungin at ang lahat ng decision ay palagi ikaw pa rin ang masusunod,” ani Doc Marvin.

Comments are closed.