BAYAD SA BEEP CARDS I-REFUND

beep card

NANAWAGAN ang commuter group sa Department of Transporation (DOTr) na dapat i-refund ang bayad sa beep cards.

Inayunan ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) ang panawagan ni DOTr Secretary Arthur Tugade na dapat gawing libre ang beep cards lalo na at nasa ilalim pa ng pandemic.

Ayon sa grupo, talagang malaking halaga para sa mga ordinaryong commuters tulad nila ang P30 hanggang P50 na presyo ng beep cards sa initial fare load.

Maging ang reloading charges at maintaining balance na P65 ay inirereklamo rin ng grupo dahil sa mabigat ito para sa ordinaryong commuters.

“Isipin mo kahit may laman pang 65 pesos dapat mag- reload ka na at may bayad din,” saad ng grupo.

Sa hiwalay namang statement, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na nasa ilalim tayo ng pandemya hindi ito makatarungan.

Nilinaw ni Inton na hindi siya laban sa programa subalit dapat ay maging gradual ang pagpapatupad ‘di tulad nito na nabigla ang publiko sa agarang pagpapatupad ng beep card.

Ayon kay Inton sa monitoring at reklamo na natanggap  ng LCSP, halos lahat ng commuters sa EDSA Carousel at Metro Rail Transit ay nabigla sa biglaang pagpapatupad ng beep card.

“Sa ngayon ay maaaring gawing optional muna, pwedeng cash, pwedeng beep card, kapag sanay na sanay na tayo siguro ‘yun na ang panahon na lahat ay cash less transaction na sa lahat ng public transportation lalo na sa MRT, wika ni Inton.

Nauna na rin sinabi ni Tugade na dapat na maging libre ang beep card. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.