BAYAD SA TUBIG EXTENDED HANGGANG SETYEMBRE PA

MAYNILAD

PINALAWIG pa ang deadline sa pagbabayad ng bills para sa tubig ng hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Ayon kay Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo, nagbigay pa ng payment extension ang kompanya para sa kanilang mga consumer dahil batid nila ang tindi ng epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanapbuhay ng mga mamamayan.

Bukod dito, nilinaw rin ni Grabillo na ipatutupad din ng Maynilad ang staggered payment schemes o ang utay-utay na pagbabayad sa mga bill ng mga consumer.

Gayunman, iginiit  ni Grabillo na para naman sa mga customer na may  hindi pa nababayarang bill, iprayoridad muna ang kanilang ‘current’ bill, at bayaran na lamang ang natitira pa nilang bayarin sa pamamagitan ng installment.                               DWIZ 882

Comments are closed.