Ang Bayan Muna ay isa sa pinaka-aktibong partylist sa bansa. Samu’t saring isyu ang sinasawsawan at kinokomentohan nito. Sa pangalan pa lamang, maaari nang isipin na talagang interes at kapakanan muna ng bayan ang isinusulong ng nasabing partido. Ngunit tila nakakalito rin kung ano talaga ang nais mangyari ng Bayan Muna sa bansa, at kung kaninong interes ba talaga ang isinusulong ng mga ito.
Ang Bayan Muna ay naghain ng isang House bill kamakailan ukol sa panukalang ipagbawal ang cross-ownership ng distribution utility at ng kompanya ng power generation. Nakapagtataka na ito ang inaaksiyunan ng nasabing partido gayong tahimik sila sa isyu ng pagtaas ng singil ng Feed-in-Tariff o FIT na siyang direktang nakaaapekto sa mga konsyumer. Wala ring imik ang Bayan Muna ukol sa mga reklamo ng mga konsyumer sa Cebu ukol sa mataas na singil ng koryente.
Kung tunay ang kagustuhan ng Bayan Muna na isulong ang kapakanan ng mga kosnyumer, tila maling isyu ang pinagtutuunan nito ng pansin. Bakit tila patay-malisya sa mga isyu na direktang nakaaapekto sa mga konsyumer? Ang singil ng FIT ay tumaas ng higit sa piso. Kung may hindi nakakaalam, ang FIT ay isang uri ng singil na isinisingil sa lahat ng konsyumer na napupunta lamang sa mga kompanya ng renewable energy bilang insentibo. Kataka-takang hindi ito kinokomentohan ng Bayan Muna.
Hindi rin nito pinansin ang mga hinaing ng mga Cebuano ukol sa mataas na singil ng mga distribyutor sa lugar. Kasalukuyan nang isinasagawa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang imbestigasyon ukol dito ngunit nananatiling walang komento ang Bayan Muna ukol dito.
Nananatili ang pansin ng Bayan Muna sa mga binansagan nitong ‘sweetheart deals’. Taon na ang binilang ng isyu at wala naman itong pinuntahan. Matagal nang nailatag ng Department of Energy (DOE) at ERC ang Competitve Selection Process (CSP). Ito ay sistemang sumisiguro sa pagkakaroon ng pinakamababang rate ng generation charge para sa kapakanan ng mga konsyumer.
Malinaw na sinusunod ng mga distribution utility ang CSP, at malinaw rin na nasusunod ang mga probisyong nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law. Sa kabila nito ay tila hindi tinatantanan ng Bayan Muna ang usaping ito. Maayos na ang sistema, ngunit pilit nanggugulo itong Bayan Muna. Sa halip na tutukan ang mga isyu na nakaaapekto sa ma konsyumer, ang atensiyon nila ay nakabaling sa mga bagay na hindi naman na dapat pinoproblema.
Hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ng Bayan Muna. Kung nasusunod ang CSP at EPIRA, bakit kailangang limitahan kung sino ang maaaring mamuhunan sa industriya ng koryente? Alam naman natin kung gaano kahalaga ang industriya ng koryente lalo na sa ating pagbangon mula sa epekto ng pandemya. Sa halip na hayaang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na supply ng koryente, tila hinahadlangan ito ng Bayan Muna sa pamamagitan ng isinumite nitong house bill. Kung mas marami ang namumuhunan sa industriya, mas masisiguro ang supply ng koryente, at mas bababa ang presyo nito.
Bagamat itinanggi ng Bayan Muna ang alegasyong ito ay front ng CPP-NPA, tila iba naman ang sinasabi ng mga aksiyon nito. Ginugulo ng Bayan Muna ang mga bagay na maayos naman, ngunit nananatiling walang imik sa mga isyu na dapat nilang tinututukan. Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nahahalata na ang layunin ng nasabing grupo.
Halos nasa kalagitnaan na tayo ng taong 2021, at papalapit na nang papalapit ang susunod na eleksiyon.
Malaking pera ang kailangan sa pangangampanya. Kung susuriing mabuti ang sitwasyon, at kung susuriin kung sino ba ang mga makikinabang at sino ang maaapektuhan sakaling magtagumpay ang Bayan Muna, tila hindi maitatanggi ang posibilidad na may kaugnayan ito sa darating na eleksiyon.
668806 537068Yeah bookmaking this wasnt a speculative decision outstanding post! . 635268
115054 17127An really fascinating go by means of, I might not concur entirely, however you do make some really legitimate factors. 856890