BAYAN NG BUGUEY ‘Crab Capital’ of the Philippines

Idineklara ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.  ang munisipalidad ng Buguey sa  Cagayan Valley bilang “crab capital” ng bansa.

Ito ay dahil  magiging mahalagang destinasyon  ang naturang lugar  upang ito ay  maging sentro rin ng resources ng pamahalaan upang matulungan itong pausbungin ang produksyon ng mga mud crabs o alimasag dito.

Ang Buguey, bagamat itinuturing na third class municipality, ay nagkaroon  ng mahalagang papel sa crab supply chain ng bansa  sa loob ng sampung taon. Noong taong 2023,  nagkaroon ito ng produksyon ng mga alimasag at mud crabs na aabot sa 45.78 metriko tonelada.

40 porisyento umano ng produksyon ng alimasag ng Cagayan Valley  ay katumbas ng 70.5 porsiyento ng kabuuang output ng mud crabs sa northern Philippines.

“Buguey provides local livelihood and plays an essential role in the region’s economy and has served as a mud crab production hub for the past 10 years,” sinabi ni Laurel sa kanyang  administrative order.

Bukodsa makapagbibigay ito ng trabaho, ang mud crab production sa naturang munisipyo ay magpapatatag  sa ekonomiya at nagpapausbong sa ibang industriya at  hanapbuhay sa mga ancillary na mga negosyong katulad ng feed supply, food processing at transportation services.

“Granting Buguey the title isn’t just ho­norific but a pivotal step in enhancing the town’s mud crab production’s contribution to the national economy….Mud crabs, locally known as alimangong putik, are prized crustaceans because of their moist and flavorful meat found in the body and claws. Farmers usually culture mud crabs along with milkfish and tiger prawns,” ang nakasaad sa statement.

Ang Pilipinas ang isa sa pangunahing exporter ng mud crabs sa Southeast Asia.

Ma. Luisa Macabuhay – Garcia