BATANGAS – ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Lobo sa lalawigang ito dahil sa pagkalat ng African swine fever (ASF) at sa epekto nito sa local hog industry.
Ipinasa a ng resolusyon ng konseho nitong Agosto 6 na nagpapakitang 16 sa 26 na barangay ang nakapagtala ng mga kaso ng swine fever at ang kabuuang animal deaths ay pumalo sa 8,818 hanggang noong Hulyo 31.
Sa resolusyon, sinabi na ang outbreak “has immensely affected the livelihood of thousands of hog growers or raisers whose daily income relies on the hog-raising and meat-selling market,” at ang pagkalugi ay umabot na sa P103,338,000.
Magbibigay-daan ang deklarasyon sa local na pamahalaan na gamitin ang calamity funds para magpaabot ng tulong sa local hog raisers.
Wala pang bakuna para sa naturang sakit, ayon sa National Meat Inspection Service.
Karaniwang namamatay sa loob ng dalawa hanggang 10 araw ang baboy na tinamaan ng ASF at ang animal mortality rate ay umaabot ng hanggang 100 percent.
EVELYN GARCIA