UMAAPAW sa rami ng mga nagtitinda ng hipon ngayon sa Rosario, Cavite. Kabi-kabila ang mga nagtitinda nito parkikular sa mga talipapa.
Mga hipong parao, swahe, bulik, at sugpo ang uri ng hipong itinitinda ngayon dito.
Sinasabing kapag sumasapit ang ganitong panahon ng hanging habagat, naglalabasan ang hipon mula sa kailalimang bahagi ng putik ng dagat.
Ang mga mangingisda ay dumarayo pa sa Coregidor Island para lamang makahuli ng hipon. Nasa 5 hanggang 7 container ang nahuhuli ng maghihipon sa bawat paglaot nito sa dagat.
Umaabot ng P180 kada kilo ang halaga ng hipon depende sa uri o klase nito.
Ang pagkain ng hipon ay sagana sa protina upang lumakas ang mga kalamnan at mga buto.
Sid Samaniego
Comments are closed.