BAYAN SA ZAMBO SUR NAGDAOS NG AGRO-TRADE FAIR

AGRO-TRADE FAIR

NAGBUKAS kamakailan ang bayan ng Dumalinao, Zamboanga del Sur, ng agro-trade fair kasabay ng kanilang selebrasyon ng ika-63 anibersaryo.

Sinabi ni Dumalinao Mayor Junaflor Cerilles na ang trade fair, na ginanap sa harapan ng town hall, ay nagpakita ng mga lokal na produkto na mabibili sa pinakaabot-kayang halaga.

Ayon pa kay Cerilles, ang mga produkto na naka-display at ibi­nebenta ay organic tea, coffee, banana chips, at iba pang farm at fishery products.

“All these products are from our very own farmers and fisherfolk,” dagdag ni Cerilles.

Nagbukas ang trade fair matapos na magtipon ang mga opisyal ng Dumalinao para sumabay  sa pagdiriwang ng ika-121 Independence Day ng bansa.

Nakatakdang magdiwang ang bayan ng Dumalinao ng kanilang ika-63 founding anniversary sa Hunyo 26. Isang fourth-class na bayan, mayroon itong 30 barangay. Ang bayan ay nilikha sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act 1593.   PNA

Comments are closed.