BAYANG KARERISTA HUMIRIT NA MAPANOOD ANG KARERA ‘IN PERSON’

karera

UMAASA ang Philippine Racing Commission na papayagan na ang betting public na makapanood ng mga karera ‘in person’.

“I hope that soon they will allow us,” wika ni Philracom chairman Reli de Leon sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

Sinabi ni De Leon na habang pinayagan na ng IATF ang 10 percent ng sitting capacity para sa indoor restaurants at iba pang establisimiyento, ang racetracks ay naghihintay pa rin ng clearance.

“If our racetracks can accommodate 5,000 racing fans then 10 percent of that is equivalent to 500,” aniya.

Ang mga karera ay idinaraos mula Huwebes hanggang Linggo at hinahati sa Manila Jockey Club, Inc. in Carmona, Cavite; Philippine Racing Club, Inc. in Naic, Cavite; at Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.

Sinabi pa ni De Leon na may 12 pang stakes races na nakalinya ang Philracom hanggang December, kabilang ang third leg ng Triple Crown sa Oct. 3.

Ang Presidential Gold Cup sa Dec. 12 ang pinakamalaki sa mga ito na may kabuuang P10 million na prize money na nakataya, at ang magwawagi ay tatanggap ng record P6 million.

“That will be the biggest prize ever in the history of Philippine horse racing,” dagdag ni De Leon na iniulat na sa kabila ng break na tatlo at kalahating buwan ngayong taon dahil sa pandemya, ang Philracom ay nakapagposte ng malaking numero.

Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ang  Philracom ay nakapagtala ng sales na P1.4 billion, at sinabi ni De Leon na kung wala nang iba pang interruption, maaari nilang maabot ang hanggang P2 billion-P2.3 billion.

“Basta tuloy-tuloy lang. But so far, very successful. Compared to last year, we are proud to say that our sales are bigger this year. In taxes alone this year, we have paid P400 million,” aniya.

“The IATF has been very cooperative, and that is why we are able to sustain this. Horse racing is on its feet,” dagdag ni De Leon patungkol sa giant industry na nagkakaloob ng direct at indirect jobs sa 12,000 katao.

“Maraming magugutom kapag natigil ang karera.”

One thought on “BAYANG KARERISTA HUMIRIT NA MAPANOOD ANG KARERA ‘IN PERSON’”

Comments are closed.