BAYANI FERNANDO PUMANAW NA

IDINEKLARANG dead on arrival sa ospital ang 77-anyos na si dating MMDA chairman Bayani “BF” Fernando dahil sa aksidente.

Batay sa ulat, umakyat sa bubong ng kanyang bahay sa Monte Vista Subd. Brgy. Industrial Valley sa Marikina ang dating alkalde para silipin ang pinare-repair nitong bubong ngunit ayon sa ulat ay aksidenteng nadulas at nahulog si Fernando mula sa bubong ng bahay nito .

Idineklarang wala ng buhay si Fernando alas 12:16 ng tanghali sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.

Si BF na dating congressman at mayor
ay makabuluhang personalidad sa history ng Marikina, ang legacy niya sa public service na itinatak sa kaisipan ng mga Marikeño ay maituturing na kayamanan sa darating pang mga taon.

Minsan nang sinabi ni Fernando na ang pananaw niya sa lungsod ay “not for the upper class but for the working class; not for beggars and drifters but for a working class imbued with dignity.”

Nagsilbi si Fernando bilang kinatawan para sa 1st congressional district ng Marikina mula 2016 hanggang 2022.

Siya ay anak ng yumaong Marikina Mayor Gil Fernando, ang ikatlong alkalde ng lungsod.

Si Bayani ay sumunod sa yapak ng kanyang ama nang siya ay magsilbi bilang alkalde ng lungsod ng Marikina mula 1992 hanggang 2001.
Siya ay isinilang noong Hulyo 25, 1946.
Isang Mechanical Engineer, si Fernando ang nagtatag ng BF Group of Companies, na kasangkot sa construction, steel, manufacturing, at real estate.

Nagtayo siya ng pinakamataas na gusali sa bansa, mga shopping mall, mga subdibisyon ng industriya at tirahan, at mga pasilidad.
Naging kalihim din ito ng DPWH sa termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa panahon nito bilang 3rd timer mayor pinagkalooban ito ng 55 pagkilala.
Elma Morales