BAYANIHAN 2 KAILANGAN PA NI DUTERTE SA PAGSUGPO SA COVID-19

Presidential spokesperson Harry Roque

KAILANGAN pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang Bayanihan law upang matugunan ang pangangaila­ngan ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos na mapaso  na ang Bayanihan 1 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Sa ilalim nito, mayroon emergency powers ang Pa­ngulo na nagbibigay rin sa kanya ng kapangyarihan upang makapag-realign at re-allocate ng pondo upang gamitin sa mga programang tutugon sa COVID-19 crisis.

Gayunman, sinabi ni Roque na nakatakda namang magpatawag ang Pangulo ng pulong upang matukoy kung kailangan pang magsagawa ng Kongreso ng special session para sa pagpapatupad ng nasabing hakbang.

Matatandaang nabigo ang Kongreso na maihabol ang pag-apruba sa Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act matapos itong hindi sertipikahan bilang urgent bill ng Pangulo.

Comments are closed.