BAYANIHAN 2 LUSOT NA SA BICAM, P140-B INILAAN

Senador  Sonny Angara

APRUBADO na sa bicameral conference committee ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act  o Bayanihan 2.

Inihayag ito ni Senate Finance Committee Chairman Senador  Sonny Angara na siya ring pinuno ng Senate panel sa bicam.

“The total is still [P140 billion] with allotments for various [government] programs to help our affected countrymen and sectors and an additional [P25 billion] standby appropriations,” ani Angara.

Ayon sa senador, ang Bayanihan 2 bill, ang papalit sa napaso nang Bayanihan to Heal as One Act, ang maglalatag ng response at recovery plan ng gobyerno sa COVID-19  at maglalaan din ng pondo para sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya.

Matapos ang bicam, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagkasundo ang Senado at Kamara para sa tulong sa industriya ng turismo na aabot sa P10 bilyon. “Tourism sector got [P10 billion],” ani Drilon.

Sa P10 bilyong stimulus aid sa tourism sector, P6 bilyon ang inilaan sa soft loans Micro, Small and Medium Enterprises at P3 bilyon sa Department of Labor and Employment para sa tourism workers na nawalan ng trabaho.

Isang bilyong piso naman ang ibibigay para sa tourism insfrasctructure ng Department of Public Works and Highways. LIZA SORIANO

Comments are closed.