BAYANIHAN 2 PALAWIGIN SA 2022

Rep Jericho Nograles

HINILING kahapon ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na palawigin pa ang Bayanihan 2 hanggang sa 2022.

Ito ay dahil nababahala ang kongresista na mapaso na ang funding provision ng Bayanihan Law 2 bago pa man magkaroon ng bakuna para sa COVID-19.

Inihain ni Nograles ang House Resolution 8017 na layong amyendahan ang deadline ng RA 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act hanggang sa December 21, 2022.

Batay sa Bayanihan 2, ang procurement o pagbili ng mga gamot at bakuna laban sa COVID-19 ay hanggang December 19, 2020 na lamang.

Iginiit ng mambabatas na kailangang matiyak ang tuloy-tuloy na response at recovery interventions ng pamahalaan laban sa COVID-19 at hindi dapat magkaaberya ang procurement ng bakuna dahil sa kawalan ng pondo.

Paliwanag pa ni Nograles, mas mainam nang may continuous funding para masigurong may pambili ng bakuna ang Filipinas na hindi na kailangang magpasa ng panibagong batas. CONDE BATAC

Comments are closed.