BAYANIHAN ACT 2 ‘DI PA KAILANGAN

Presidential Spokesman Harry Roque

WALANG  nakikitang dahilan ang Malakanyang upang madaliin ang pagkakaroon ng Ba­yanihan Act 2, kasunod ng patuloy na krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa  coronavirus di­sease  (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na may resources pang magagamit ang pamahalaan para sa COVID-19 response.

Hindi na rin dapat pang magkaroon ng special session ang Kongreso para sa panibagong stimulus package.

Kaya aniyang  matalakay ang Bayanihan Act 2 sa pagbabalik ng regular na sesyon sa Kongreso sa Hulyo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Duterte.

Nauna rito ay may mga ulat na planong paglaanan ng Kongreso  ng mula P140 bilyon hanggang P200 bilyon ang Bayanihan Act 2 para sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng gobyerno.

Comments are closed.