SA paggunita ng National Heroes’ Day kahapon, hinimok ng lider ng Kamara ang sambayanang Pilipino na huwag lamang na patuloy gunitain o dakilain, bagkus ay tularan ng lahat ang naging ambag ng mga bayani para sa ikabubuti ng mga mamamayan at ng bansa.
Pagbibigay-diin ni Speaker Martin G. Romualdez, kinakailangang umiral sa puso at isipan ng bawat mamamayan ang pagmamahal sa bayan at pagnanais na maibangon ang bansa lalo na sa pagsusumikap na muling palakasin ang ekonomiya, na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“The blood of our heroes flows in all of our veins. We are all capable of extraordinary courage in rising up to the challenges of these extraordinary times. Our heroes set aside their personal benefit for the good of the country,” giit ng Leyte 1st. District lawmaker.
“Before Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar and the others became heroes, they were ordinary Filipinos who were deeply moved by their love of the motherland. They were bound by a single dream: freedom for their country and a future for all Filipinos,” paalala pa ni Romualdez.
Kaya naman sa okasyon ng National Heroes’ Day, sinabi ng House Speaker na hindi sapat na gunitain at parangalan ang ginawang pag-aalay ng buhay ng mga bayani, bagkus ay mainam na tularan ang ipinamalas ng mga ito na pagmamahal sa kapwa Pilipino at sa bansa.
“Patriotism comes in many forms. Each and every one of us can serve our country in our own personal capacity, like our health frontliners during the height of the pandemic, our law enforcers who kept us safe, or the delivery rider who took care of our needs. We are all heroes-in-waiting, given the right motivation,” ayon pa kay Romualdez.
ROMER R. BUTUYAN