BAYANIHAN SA TWITTER

Twitter

HINDI lamang go-to platform ang Twitter kundi nagbibigay rin ito ng venue sa mga tao upang magkaroon ng partisipasyon sa mga pangyayari, lalo na sa mga panahong hindi inaasahan. At sa nangyari ngang pagputok ng ikalawa sa pinakaaktibong bulkan sa bansa, nagkaisa ang bawat isa sa atin at ginamit ang naturang platform.

Sa nangyaring pagputok ng Bulkang Taal nitong nagdaang buwan, bawat Filipino ay nag-abang sa Twitter upang maging updated sa sitwasyon sa Batangas at mga karatig lugar, kabilang na rito ang Metro Manila. Maraming indibiduwal ang nag-share ng update mula sa kanilang kinaroroonan, at nagpadala ng litrato upang maipakita sa Twitterverse. Lumabas ang bayanihan sa Twitter sa ganitong mga pagkakataon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng important essential information hanggang sa pag-i-initiate ng donation para mabigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya.

Ang mga sumusunod ang naging paraan sa pagbabayanihan ng mga Filipino sa Twitter:

HASHTAGS FOR REAL-TIME UPDATES

Sa mga panahon ng krisis o problema, maituturing na powerful tool ang hashtag nang manatiling updated sa mga pangyayari. Bawat Filipino, gayundin ang gobyerno at/o NGO’s ay gumamit ng hashtag gaya ng #TaalEruption2020, #TaalVolcano, at #WalangPasok para maibahagi ang impormasyon at sitwasyon sa lugar.

FOLLOWING AND RETWEETING VERIFIED INFORMATION FROM TRUSTED ACCOUNTS

Ang reliable at verified accounts naman ay sinundan ng mga Filipino. Nagsimula ring mag-retweet ang marami mula sa mga mapagkakatiwalaang account na makatutulong upang maging aware ang bawat Filipino at malaman ang mga impormasyong kailangan.

A CALL FOR RELIEF EFFORTS

Naging daan din ng mga Filipino ang Twitter upang matulungan ang Taal evacuees at nag-set up ng relief operations.  Ginamit naman sa relief operation ang hashtag na #ReliefPH.

Sa Twitter, wala ring Filipino ang napag-iiwanan. Hindi rin nakaligtaan ang pag-rescue sa animals sa naturang area at nag-initiate rin ng relief drives sa mga ito.

A KEEN EYE ON MISINFORMATION

Maingat din ang mga Filipino sa pagbabahagi ng impormasyon. Kaya’t ang nire-retweet lang nila ay ang mga impormasyon mula sa mapagkakatiwa-laang sources gaya ng media government agencies o NGO relief organizations at hinihimok ang marami na i-verify muna ang news bago nila ito i-share.

Hindi nga naman maipagkakailang nagagamit natin ang Twitter para maibahagi ang breaking news at announcements mula sa government agencies, relief organizations, at media. Mula sa mga nag-volunteer hanggang sa mga citizen, natutulungan ng nasabing plataporma ang bawat indibiduwal na makita at malaman ang mga nangyayari sa paligid. CT SARIGUMBA

Comments are closed.