BAYANIHAN SUSI SA PAGBANGON

MASAlamin

PARA kay dating Speaker Alan Peter Cayetano, mas mabilis na makababangon ang mga nasalanta ng bagyo kung lahat ay magbabayanihan, kasama ang mga nasa rural, siyudad, mahirap man o mayaman, mula sa Luzon Visayas, Mindanao, malalaking korporasyon o maliliit na sari-sari store.

Lahat ng Filipino ay maaaring makatulong at maging ‘bayani’ sa panahon ng kalamidad. Hindi natin kailangang magka-roon ng mataas na posisyon sa gobyerno. Kahit mga kabataan, magulang, guro, o miyembro ng simbahan ay maaaring mag-organisa para magbigay ng tulong maliit or malaki man ito.

Halos isang buwan pagkatapos na bumaba sa pwesto si  Cayetano bilang Speaker ng Kamara, nakita nating puspusan ang pagtulong ng kinatawan ng Taguig-Pateros sa mga nasalanta ng bagyo. Pagkatapos ng Typhoon Rolly, bumisita siya at ang kanyang maybahay na si Rep. Lani Cayetano sa Tiwi at Daraga, Albay at Buhi, Camarines Sur para magdala ng tulong sa mga tricycle driver, tourist guide at nagtitindang nawalan ng trabaho at daan-daang pamilya na tinamaan ng Typhoon Rolly.

Pagkatapos ng pananalanta ng Bagyong Ulysses, dumayo naman ang grupo ni Cayetano sa  Rodriguez at Cainta, Rizal, at Marilao, Bocaue, Hagonoy, Paombong, Bulacan. Sa loob lamang ng dalawang linggo, halos limang libong pamilya at anim na libong indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na naging biktima ng nakaraang mga bagyo ang natulungan ni Cayetano. Personal niyang binisita at kinausap ang mga biktima ng kalamidad at inabot ang mga donasyong nakalap.

Mayroong binuo ang Malacanang na inter-agency task force na tinawag ng “Build Back Better Task Force” para tutukan ang programa ng gobyerno para sa rehabilitation at recovery ng mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang panig ng Filipinas. Suportado ni Cayetano ang pagtatatag ng ganitong task force dahil naniniwala siyang hindi dapat natatapos sa pagbibigay ng relief goods lamang ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sa katunayan, noong taong 2013, isa siya sa unang nag-file ng bill para itatag ang Emergency Response Department na tututok sa disaster preparedness, relief operation, humanitarian assistance hanggang sa community rehabilitation.

Hindi na bago kay Cayetano ang pag-oorganisa ng malawakang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Ginagawa rin niya iyon noong senador siya. Habang siya ang nakaupong Speaker, noong kasagsagan ng COVID-19 at lockdown noong Mayo, hinimok ni Cayetano ang kanyang mga kasamahang kongresista para magbigay ng kanilang mga suweldo para tumu-long sa mga lugar at mga sektor na lubos na naapektuhan ng COVID-19.

Matatandaang nagdaos din ng sesyon ang Kongreso sa Batangas kung saan ang mga kongresista sa pamumuno ni Cayetano ay harapang nakinig sa mga problema ng mga naging biktima ng pagputok ng Taal noong Enero. Nakatulong din ito para mas mapabilis ang pagpasa ng panukalang naglalayong magtatag ng isang Department na tututok sa pagtugon sa kalamidad na tatawaging Deparment of Disaster Resilience na isinusulong ni Pangulong Duterte.

Kahit hindi na siya Speaker ay hindi pa rin tumigil si Cayetano sa pagtulong sa mga naging biktima ng kalamidad. Bukod sa mga relief goods na ipinamahagi, nagpahayag din siya ng mensahe ng pag-asa at kahalagahan ng pagdarasal para maging matatag ang mga biktima sa mga pagsubok.

Direktang nakinig si Cayetano sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo at sa mga punong bayan  upang mas malaman niya kung paano sila matutulungan. Bilang isang mambabatas, mas epektibo ang ganitong paraan para marinig ang tunay na hinaing ng mga biktima at lokal na opisyal para makabuo na pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bayan. Sa maayos na pag-uusap, mas maraming ideya ang lumalabas para malaman ang totoong pangangailangan ng mga taumbayan.

Sa kanyang pakikipag-usap sa punong-bayan ng Marilao Bulacan, halimbawa, ipinaabot ni Mayor Ricky Silvestre kay Cayetano ang mga ginagagawa ng lokal na pamahalaan upang linisin ang Ilog ng Marilao. Ngunit hindi kakayanin ng kanil-ang sariling pondo para magpatayo ng mga riverwall para pigilan ang malakihang pagbaha. Sa pamamagitan ng kanyang social media, nanawagan si Cayetano ng tulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ibang mambabatas para makapagpatayo ng river wall sa Ilog ng Marilao para magkaroon ng mas epektibong solusyon sa problema ng pag-apaw ng ilog.

Umapela rin si Cayetano sa kanyang mga kasamang kongresista at senador  na mas bigyan ng prayoridad sa budget ang mga pangangailangan ng mga ahensiyang direktang nagbibigay ng serbisyo sa panahon ng kalamidad at emergency tulad ng Department of Social Welfare and Development, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Department of Health.

‘Bayanihan’ ang mas mabisang paraan para makabangon sa anumang krisis gaya ng COVID-19 at kalamidad. Bilang isang bansa, tayo ay nasa iisang bangka na tumatawid sa dagat na may malakas na alon.

Comments are closed.