NANAWAGAN ang Manila City government sa mga bayaning health workers na huwag bibigay kahit pa pagod na ang mga ito bunsod ng maraming kaso ng COVID-19 araw-araw.
“I know pagod na kayo…’wag kayong bibigay dahil kailangan tayo ng taumbayan,” mensahe ni Mayor Isko Moreno para sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.
Sa patuloy na pakikipaglaban ng lungsod sa COVID-19 ay hinikayat niya ang mga Manileño na bigyang pagkilala ang mga nasa harapan nang labang ito sa pandemya lalong lalo na ang mga health care workers na isinasapalaran ang sariling buhay makapagligtas lamang ng ibang buhay.
Sinabi pa ng alkalde na sa loob ng 23-taon niya sa serbisyo publiko ay ngayon lamang siya nakadama ng pagmamalaki sa sarili at ito ay dahil sa mga sakripisyo ng mga nasa frontline ng digmaan kontra COVID-19.
Partikular na pinuri at pinasalamatan ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, ang mga tao sa likod ng operasyon ng anim na pinatatakbong ospital ng lungsod, quarantine facilities, food security program at iba pang mahahalagang tanggapan tulad ng city engineering office sa ilalim ni City Engr. Armand Andres, department of public services sa ilalim ni Kenneth Amurao, Manila Traffic and Parking Bureau sa ilalim ni Dennis Viaje at Manila Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni Arnel Angeles bilang direktor. VERLIN RUIZ
515592 322203Does your web site have a contact page? Im having trouble locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your blog you might be interested in hearing. Either way, wonderful weblog and I appear forward to seeing it develop more than time. 749376
345897 295035A weblog like yours should be earning a lot money from adsense.~::- 643870
182049 758306I was trying to uncover this. Actually refreshing take on the data. Thanks a whole lot. 518395
191761 545671Id need to verify with you here. Which isnt something I often do! I enjoy studying a publish that can make folks feel. Also, thanks for permitting me to remark! 809504