BAYARAN ANG UTANG UPANG HINDI MAHIRAPAN

BAKIT ang mga tao, hiyang hiya kapag mangungutang, pero mas hiyang hiya kapag araw na ng bayad dahil hindi na nagpapakita. Nakakainis talaga.

Hindi naman lahat. May mga tao namang kahit paano, nagpipilit na makabayad ng utang sa paraang kaya nila. Sa kasamaang palad, akala nila, merong one-size-fits-all approach para makawala sa pagbabayad. Bawat tao ay may financial situation at may paraan para harapin ito.

Kung isa ka sa matitinong taong gus­tong magbayad ng utang pero nahihirapan, unahin mo munang alamin kung anong klaseng utang ka at kung paano ito tatapusin. Ang tawag dito, debt consolidation. Mahalagang alamin mo kung paano ito babayaran.

Humanap ng paraan upang makawala sa utang. Nangangailangan ito ng sipag, determinasyon at disiplina.

Ano ang utang?

Para makabayad ng utang, unawain muna ito. Ito yung perang hiram mo sa ibang tao. May mga exemptions tulad ng on­going bills, taxes, insu­rance, at mortgages. Lahat ng hindi mo nabayaran na kaila­ngan mong bayaran, utang yun tulad ng:

*             Personal loans

*             Car loans

*             Student loans

*             Credit card balan­ces

*             Medical expenses

*             Payday loans

*             Home equity loans

*             IRS and government debt

Hirap ng may utang lalo na kung lumalaki ito dahil sa interes. Sana, kahit interes, mabayaran, pero hindi pa rin ito nakakabawas sa mismong utang.

Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. May paraan para magbayad ng utang bago ito tuluyang lumaki.       Unang strategy, unahin ang maliliit na utang, sa susunod na ang malalaking utang. At least, nabawasan ang utang. Makakabayad ka rin.

Kapag tapos nang magbayad ng maliliit na utang, isunod ang interes nung malalaking utang. At bawasan mo ang capital, dahil kung hindi, malulubog ka.

Pwede rin ang avalanche method, kung saan nagbabayad ng utang paunti-unti, mula sa pinakamalaking utang hanggang maubos sa pinakamaliit na utang. Syempre, lahat ng interes, dapat bayaran buwan-buwan. Yun nga lang, hindi mo agad makikita ang development sa ganitong paraan.

Pwede rin naman ang ibang method tulad ng consolidation, settlement, at counseling. Pwede ito sa pagbabayad ng utang na maliit ang interes at may professional advice.

Kasama sa debt conso­lidation ang panghihiram ng lump sum para bayaran ang maliliit na utang pati na ang interes. Magagawa ito sa pangungutang sa bangko o kaya naman ay sa mga lending companies na mas madali ang pagbabayad at maliit lamang ang tubo. Ay, take note nga pala: huwag mangutang sa Bumbay o sa mga loan sharks. Hala, lalo kang mababaon sa utang pag nagkataon.

Kapag sinuswerte, mabilis at maayos kang makababayad ng utang. Pero kung kilala kang balasubas sa utang, maihirapan ka talagang mangutang sa mga lending at bangko.

Kung meron kang bad credit rating at hindi ka talaga makabayad, settlement ang best option. Tulad  ng consolidation, kasama rito ang tulong ng financial institution para makipag-negotiate sa mga pinagkakauta­ngan mo. Sa halip na mababang interes, idi- discuss kung paano babawasan ang utang mo. Gayunman, may risk pa rin, tulad ng mababang credit ra­ting.

Kaya mong magbayad ng utang on your own, basta gusto mo lang. Unti-unti lang. Pero kapag nakabayad ka na, magkaroon ka na ng good money habits. Alamin kung ano ang mahalagang pagkagastusan, hindi yung gastos ng gastos na parang hindi ka mauubusan ng pera. JAYZL VILLAFANIA NEBRE