NAIS ni Senador Bong Go na maibaba ang bayarin para sa liver transplant sa bansa.
Inihayag ito ng senador matapos ang nangyari sa dalawang sanggol na may biliary atresia na sina Eren Arabella Crisologo at Dionifer Zephaniah Itao na tinulungan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala sa bansang India, subalit hindi naging matagumpay ang operasyon dahil nagkaroon ng kumplikasyon si Baby Eren.
Nakipagpulong si Go sa mga opisyal ng Department of Health (DOH); Department of Foreign Affairs (DFA); Presidential Management Staff (PMS); The Medical City Hospital, Makati Medical Center, Philippine Children’s Medical Center at sa National Kidney and Transplant Institute; at mga opisyal ng the Federation of Indian Chambers of Commerce.
Napagkasunduan sa naturang pagpupulong na hahasain ng gobyerno ang mga Filipino doctor sa India upang maging dalubhasa sa liver transplant ng sa gayun ay hindi na kailangan na magtungo pa ang mga pasyente sa ibang bansa.
Bukod dito, popondohan din ng gobyerno ang mga medical equipment para sa liver transplant para mapababa ang mga bayarin sa operasyon.
Kasabay nito, nananawagan si Go sa publiko na pagkatiwalaan ang kakayahan ng Pinoy doctors na kilalang dalubhasa sa larangan ng medisina. VICKY CERVALES
Comments are closed.