BAYBAYIN NG DAVAO ORIENTAL LIGTAS NA SA RED TIDE –BFAR

RED TIDE-5

IDINEKLARA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture na ligtas na sa panganib ng red tide toxin ang bahagi ng Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental.

Base sa latest laboratory result na nakalap ng BFAR, hindi na apektado ng paralytic shellfish poison ang nasabing baybayin.

Subalit nilinaw nito na nananatiling apektado pa rin ng nakamamatay na red tide ang bahagi ng Puerto Princesa Bay ng Puerto Princesa City, Palawan.

Bukod pa rito, nananatili pa rin ang red tide maging sa mara­ming baybayin ng Western Samar na kinabibilangan ng San Pedro, Maqueda, Irong-Irong, Silanga at Canbatutay at maging ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Liangga Bay ng Surigao del Sur.

Samantala, patuloy na pinaaalalahanan ng mga kinauukulan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na huwag munang manguha, magbenta o kumain ng mga lamang dagat para na rin sa kanilang kaligtasan. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.