LUMAWAK na ang mga sakop na karagatang kontaminado ang shellfish ng red tide toxin mula nang may maitala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ilang lugar na positibo dito noong nakaraang linggo.
Batay sa Shellfish Bulletin No. 18, series of 2024 na inilabas noong Agosto 3 at may lagda ni Isidro Velayo Jr., officer-in-charge ng BFAR, apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay.
Bukod dito, nananatiling apektado ng red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte; karagatan ng Daram Island, Zumarraga Island at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Cancabato Bay sa Leyte, batay sa unang inilabas na Shellfish Red Tide Bulletin noong Agosto 1.
Samantala, ang Dauis, at Tagbilaran City sa Bohol ay wala nang kontaminasyon ng red tide, ayon sa naturang bulletin.
“Shellfishes collected and tested from Dumanguillas bay in Zamboanga del Sur;coastal waters of San Benito in Surigao del Mopte; coastal waters of Daram Island, Zumarraga Island and Cambatutay Bay in Samar;Matarinao Bay on Eastern Samar; ang Cancabato Bay in Leyte are still positive for Paralytic Shellfish Poison(PSP) or toxic red tide that is beyond regulatory limit.Moreover, coastal waters of Tungawan in Zamboanga Sibugay is now positive,” nakasaad sa naturang bulletin.
Muling nagbabala ang BFAR sa publiko laban sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa katubigan ng naturang mga lugar.
”Do not harvest, do not sell, do not buy, do not eat,” paalala pa ng BFAR
Subalit sinabi ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.
“All types of shellfish and Acestes sp. or alamang gathered from these areas are not safe for human consumption. Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon pa sa bulletin ng BFAR. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA