BAZAAR CITY SA CAINTA MAGBUBUKAS NA PARA SA CHRISTMAS SHOPPERS

bazaar city

LAHAT ay gustong makasulit sa kanilang Christmas shopping, at ayaw nang makaranas ng problema sa pag-commute, paghahanap ng parking at pakikipagsiksikan sa mga tao sa mall para mamili ng mga regalo. Kadalasang sa mga mall tayo namimili pero kung maliit lang ang iyong budget, doon ka tutungo sa kung saan mas mura ang mga bilihin.

Kaya naman bubuksan ng Fessenden Holdings ngayong Kapaskuhan ang bago nilang development sa silangang bahagi ng Metro Manila – ang Bazaar City.

Ang Bazaar City ay isang price-off center at leisure complex na nasa gitna ng isang 5-hektar­yang property na kayang mag-accommodate ng 1,000 sellers.

Ito ang pinakamala­king bargain center sa silangang bahagi ng Metro Manila, kaya naman tiyak na matutuwa ang mga mamimili sa dami ng pagpipiliang quality goods at sulit na bilihin. May mga retailer at seller para sa mga damit, fashion items, accessories, electronics, furniture at gadgets.

Madali lang ding puntahan ang Bazaar City mula sa Ortigas, Pasig at Marikina. Hindi rin mahihirapang pumunta ang madla tuwing weekdays or weekends dahil mas mahaba ang kanilang shopping hours kumpara sa mga mall.

“Para itong isang open market community, isang mas magandang bersiyon ng tiangge. Ang pinakamagandang bagay sa Bazaar City ay ang espasyo. Mayroong convenient at ligtas na parking space dahil privately owned ito. Nais din na­ming maliban sa mag-shopping ay makapag-bonding ang mga pamilya kaya naman naglagay kami ng recreational park sa tabi ng shopping complex para makapag-enjoy sa iba’t ibang aktibidad ang mga pamilya sa iisang lugar lamang,” sabi ni Mr. Cesar Avila, project director.

Mayroon ding indoor at outdoor food outlets kung saan puwedeng kumain at magpahinga ang mga pupunta sa Bazaar City. Mayroon ding weekend activities at pop-up shops na puwedeng puntahan doon.

Binuo ang Bazaar City para magkaroon ng kumbinyente,  kumpor­table at ligtas na lugar ang madla para makapag-shopping.

“Tinitiyak naming mas mura ang mga gift items sa Bazaar City kumpara sa ibang tiangge at pop-up bazaars dahil mas mababa ang buwanang rental rate para mapalago ng mga seller ang kanilang mga business,” wika ni Mr. Avila.

Ngayong araw ang grand opening ng Bazaar City, November 30. Matatagpuan sa dating GMC compound along Felix Avenue, Cainta Rizal (malapit sa SM Hypermart), ang Bazaar City ay bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari niyong puntahan ang kanilang website,  https://bazaarcity.ph/ o ang kanilang official Facebook page https://www.facebook.com/bazaarcityph/.

Comments are closed.