BB GANDANGHARI PINAYUHAN SINA KYLIE AT ALJUR

MOVIESTAR CHICKA

SA nangyayaring labasan ng mga sikreto at mga nakakalokang rebelasyon sa pagitan nina Kylie at Aljur, malaking bagay ang advice na gustong iparating ni BB Gandanghari sa kanila.

Ani BB, nabigla siya nang ikuwento ng isa niyang follower ang isyu sa pagitan nina Kylie at Aljur na trending topic sa social media.

“No way! Really? Sinabi niya? I don’t know that. Hindi ako pwedeng makialam dahil hindi ko alam ‘yan. This is the first time that I learned about that.”

Pero payo niya sa dalawa, “Try to keep your dirty linens in the washroom. I’m sure you know what I mean. Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo,” dagdag pa niya.

ALJUR DI PAPATOL SA KAHIT ANONG PASABOG NI KYLIE

ARAW-ARAW, inaabangan ang mga bagong pasabog nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ngayon dawit na rin ang veteran colum­nist na si Cristy Fermin. Burado na ang pasabog na Facebook post ni Aljur  na nag-aakusa sa ‘ex-wife’ niya na ito ang unang nangaliwa at nagtaksil sa kanilang relasyon kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Walang ibinigay na rason si Aljur sa ginawa niyang pagbura sa nasabing post. Pero wala na rin namang saysay ang pagbura niya sa nasabing post dahil nagsanga-sanga na ang problema at marami na ang nadamay na pinagsimulan ng iba’t ibang away ngayon sa showbiz. Kasabihan nga sa Ingles, ‘the damage has been done’ dahil pinagpipiyestahan na sa social media at showbizlandia ang isyung ito.

Nabulabog na naman ang lahat nang magsalita si Aljur patungkol sa patutsadahan nila ni Kylie. Pinagdidiinan niyang “lubog at natulak” lamang siya at tila nabugbog na sa mga kinasangkutan nilang isyu ng dating asawa.

“Ang reason kung bakit ko nagawa iyon is out of impulse. Kasi I felt na parang nasadsad ako, natulak, nalubog, at nabugbog na ako. It was not my intention to post pero naramdaman ko talaga na kailangan na,” ani Aljur.

Gusto na raw niyang matapos ang isyu para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako. And for the sake of our children, si Alas and Axl, gusto ko lang matapos na ito.

“She’s still the mother of my children. May pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Pinagpapasalamat ko iyon.”

Sinabi rin ni Aljur na mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang anak. Kaya gusto na raw niyang matuldukan ang isyu.

“And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng iyon. I va­lued our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari ‘yon. And out of respect sana, ‘di ba pamilya ko pa rin sila.”

Kasunod ng kanyang mga pahayag ang pangakong hindi na rin umano siya magbibigay pa uli ng ano pa mang impormasyon kaugnay sa mga nangyayari.

MAHIGIT 60 STAR MAGIC ARTISTS, MAGLALABAN- LABAN PARA BUMIDA SA “MMK”

Inaabangan kung sinu-sino sa mahigit 60 Star Magic artists ang mapapabilang sa bagong “MMK” episodes para sa ika-30 anibersaryo nito. Mapapakita na ang ang­king galing sa pag-arte ang iba’t ibang Star Magic artists sa pamamagitan ng kani-kanilang hinandang monologues sa “Cast A Star.”

Ayon kay ABS-CBN TV Production head at Star Magic head na si Laurenti Dyogi, isang magandang hakbang ang pagsasanib-pwersa ng “MMK” at Star Magic.

“Maituturing na isang haligi ng ABS-CBN ang “MMK” na nagdidiwang ng ika-30 anibersaryo ngayong taon. Sa 2022 naman magdiriwang ang Star Magic ng ika-30 taon nila sa industriya. Sa loob ng anim na linggo, maglalabas ng iba’t ibang bidyo na tampok ang monologues Star Magic artists.

Maaaring bumoto ang publiko sa Facebook o KTX. Kada linggo, ang dalawang nakakuha ng pinakamataas na boto ang papasok sa susunod na round.

180 thoughts on “BB GANDANGHARI PINAYUHAN SINA KYLIE AT ALJUR”

  1. 565147 623223You produced some decent points there. I looked on the web for that dilemma and discovered many people is going together with with the internet web site. 136092

  2. 613062 933723Hello! I just now would pick to supply a enormous thumbs up with the excellent information you can have here within this post. I will likely be coming back to your weblog website for additional soon. 976662

  3. 655358 668047Overall, politicians are split on the concern of whether Twitter is far more for business or private use. The initial thing could be the fact that you can build up quite a large following of people. 162804

Comments are closed.