INIANUNSIYO ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) kahapon na kanilang ipinagpaliban ang 2020 edition ng national pageant dahil sa umiiral na quarantine kaugnay sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa pahayag na naka-post sa kanilang Facebook page, sinabi ng BPCI na kinikilala nila ang agarang pagtugon sa pangangailangan at proteksiyon at kaligtasan ng mga kandidata, kanilang mga pamilya at kaibigan, ganoon ang mga pageant supporters at ang publiko.
“Our plans to reschedule the pageant activities shall depend on guidelines and regulations that will be issued by the government in the coming months,” ayon pa sa mga ito.
“Rest assured that BPCI still intends to hold the pageant with its partners and sponsors as soon as the situation permits,” dagdag ng BPCI.
Idaraos sana ang Bb. Pilipinas 2020 sa Mayo 30 matapos itong maiurong noong Abril dahil sa COVID-19 pandemic.
Comments are closed.