BBB PROJECTS ‘DI MATATAPOS SA TERMINO NI DU30-VILLAR

DPWH Secretary Mark Villar

AMINADO ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi matatapos sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa kalahati na ang karamihan sa mga infrastructure project ng administrasyon.

Pinagsisikapan na aniya ng DPWH na matapos ang maraming proyekto bago matapos ang termino ng Pangulo.

Karamihan sa mga proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ay pinopondohan ng China, Japan, Korea, United Kingdom at Amerika.   DWIZ882