NAGPAPATULOY ang konstruksiyon ng lahat ng mga proyektong pangimpraestruktura sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
“Sa tingin ko naman dahil nakapagsimula kami ulit, hindi magiging malaki ang delay natin,” pahayag ni Villar sa Laging Handa briefing.
“Hindi magiging malaki ang delay natin, halimbawa sa ibang projects kahit hindi sila nakapagtrabaho masyado nung ECQ (enhanced community quarantine), eh dahil hindi po masyado ma-traffic, nakapag doubletime sila sa trabaho 24/7,” dagdag pa ni Villar.
Makaraang buksan ang C3-R10 section ng North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link kamakailan, sinabi ni Villar na ang susunod na major project na matatapos ay ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.
“Sa ating mga kababayan, ‘wag po kayong mag-alala, all systems go po ang Build, Build, Build program. Ide-deliver po natin ang mga proyekto,” ani Villar.
Comments are closed.