TARGET ng pamunuan ng Mababang Kapulungan na maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Mayo 30.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, magpapatawag sila ng caucus sa susunod na linggo upang pag-isahin ang magkakakontrang probisyon na isinusulong ng ilang mambabatas.
Sinabi ni Fariñas na mas magandang pagdebatehan na nila sa caucus ang mga probisyong tinatanggihan ng ilang mambabatas at makabuo ng kasun-duan upang mabilis na itong umusad sa plenaryo.
Sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay inaprubahan ng tatlong magkakahiwalay na komite sa Kongreso ang commit-tee report sa BBL. DWIZ882
Comments are closed.