TINIYAK kahapon ng Malakanyang na sesertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bangsamoro Basic Law na kasalukuyang isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“I cannot absolutely guarantee that the version of the House will be certified, because I haven’t seen the text. But if it is in conformity with what was agreed upon, then there should be no problem. The President should certify it,” sabi pa ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Naniniwala si Roque na hindi na kailangan pang pulungin ng Pangulo ang House leaders para sa agarang pagsasabatas ng BBL.
“Basta ise-certify as urgent na ‘yan, e pupuwede nang mapabilis ang pagpasa nitong BBL” giit pa ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na maaaring gawin ng Pangulo ang pagsertipika bilang urgent bill sa BBL sa susunod na linggo bago mag-sine die ang Kongreso.
Ayon kay Roque, sa huling pakikipagpulong ng mga mambabatas sa Malakanyang ay napagkasunduan na sesertipikahang urgent ang BBL para mapabilis sa parehong chambers.
Ang BBL ay naglalayong bumuo ng isang bagong Bangsamoro political entity at pagkakaroon ng basic government structure subalit nananatiling bahagi pa rin ng Pilipinas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.